Si Genghis Khan at Kahariang Mongol Tagalog Part 2

Kuwentong Pilipino sa Tagalog at Ilocano

Jun 14 2022 • 19 mins

Biographical narrative about Genghis Khan and the Mongolian empire in Tagalog. This is the second part of 2 series.

EXCERPT:

"Kakila-kilabot ang bagsik at tinik ng mga Mongol noon kapag sila’y sumalakay. Kaya nila noong patakbuhin at utosan sa anumang direksiyon ang kanilang kabayo sa pamamagitan lamang ng kanilang mga binti at galaw ng kanilang mga paa. Kung kaya, libre ang kanilang mga kamay na gagamit ng sandata. Kasunod sa likuran ng puwersa ng mga mandirigma ay isang maayos na karabano ng pagkain at mga hayup na nakahilera ring nakikipaglakbay. Gayundin na nakasunod ang mga lulan na sandata, Kasama ang mga mangga-gamot at mga taong tumitingin at gumagawa ng katalogo ng mga aakuin nilang mga pag-aari at bagay-bagay na aariin nila sa kanilang pananalakay.

Dahil sa napapalaganap na balita tungkol sa kakayahan at mga pananagumpay ng puwersa ni Tamujin, nakikipag-usap at naki-kiisa ang mga pinuno ng mga ibang tribu upang makasama sila sa kanya.

Sa isang naisaganap na pagtitipun-tipon of KURULTAII ng mga tribu sa ilalim ng kanyang pamumuno noong MIL DOS SIYENTOS ANIM (1206), ibinigay ng mga tribu sa kanya ang pangalan na GENGHIS KHAN. Ang KURULTAII ay isang pagtitipun-tipon ng mga tribu sa imperyo upang mapagpasyahan ang stratehiya-militar na maisasagawa at upang mahirang ang mamumuno at maibibigay ang titulo sa kanya. ”Tagapamahala/Pinuno ng Uniberso” ang katuturan ng pangalang GENGHIS KHAN. Idineklara ng mga shaman o mga pinuno ng paniniwalang espiritu na si GENGHIS KHAN ang siyang kumatawan sa MONGKE KOKO TENGRI o “MAGPAWALANG HANGGAN NA BUGHAW NA LANGIT” na siyang supremo at pinakadakilang diyos ng mga Mongol. Noong matapos naideklara na siya’y may estadong pagka-diyos, tinanggap ng lahat na kanyang nasasakupan ang kanyang katungkulan at ang kanyang pagiging pinuno ng sandaigdigan.

Sa taon ding iyan, tinalo at sinakop ni Temujin o Genghis Khan ang pinakamalakas noon na tribu ng mga NAIMAN at ito ang nagbigay sa kanya ng pag-hahari sa gitnang bahagi at bahaging kanluran ng Mongolia. Pinamunoan ni GENGHIS KHAN ang mga sunod-sunod na pagka-katalo ng mga naglalakihang mga naipamanang pag-hahari o panunungkulang pinuno ng mga lahi at tribu: Lahi sa may Kanlurang bahagi ng XIA noong MIL DOS SIYENTOS SIYAM (1209), Lahi ng KARA-KHITAN KHANATE noong MIL DOS SIYENTOS LABING WALO (1218), IMPERYO NG KHWARAZMIA noong MIL DOS SIYENTOS DALAWAMPU’T ISA (1221) at LAHI ng JIN noong MIL DOS SIYENTOS TATLUMPO’T APAT (1234). Maraming bakbakan ang nangyari. Maraming milyong mga tao at mandirigma ang nangagsimatay.

Noong MIL DOS SIYENTOS PITO (1207), nilusob ng puwersa ni GENGHIS KHAN ang kaharian ng XI XIA. Imperyo ito ng mga TANGUT (o minsan ay tinatawag na MINYAK sa mga Tangut o mga taong taga Tibet). Sumuko ang imperyong nalusob pagkaraan ng dalawang taon. Ang imperyong ito ay naitayo noong IKA-SAMPUNG SIGLO AT TATLUMPO’T WALO (1038). Naputol ang pamumuno nito noong MIL DOS SIYENTOS DALAWAMPU’T PITO (1227) at ito ay noong sila’y sinugpo ni GENGHIS KHAN. Malawak ang lupaing pinagharian ng imperyong ito. Sumukat ito ng WALONG DAANG LIBONG milya kuwadrado (800,000 square miles). Ang mga lugar na sinasakupan nito ay Ningxia, Gansu, silangan ng Qinghai, hilaga o norteng bahagi ng Shaanxi, Xinjiang, looban at Timog na bahagi ng Mongolia..."

CONTINUE WITH PODCAST FOR THE FULL EPISODE.

You Might Like