Si Alexander Graham Bell Ama ng Telepono 2(3) Tagalog

Kuwentong Pilipino sa Tagalog at Ilocano

Sep 5 2022 • 31 mins

Historical biographical account about inventor Alexander Graham Bell. This 3-part narrative is in Tagalog (Philippines). This is SECOND of 3 parts.

EXCERPT:

"...Mula noong kinilala na, na ang telepono ay disenyo at imbensiyon ni Alexander doon sa eksibisyon sa Philadelphia, naging popular ito na kagamitan sa komunikasyon. Pumunta si Alexander sa Inglatera upang kanyang ipaliwanag sa monarkiya kung ano ang pakakagamitan nito, kung papaano ito magagamit at kung ano ang kabutihang maidudulot nito.

Dalawang taon pagkaraan ng sentenyal na naisaganap sa Philadelphia, pumunta si Alexander sa Inglatera at bilang bahagi ng kanyang pagbiyahe doon ang pupunta sa palasyo para ipakita at ipaliwanag kay Reyna Victoria doon sa kanyang tahanan sa Osborne House ang tungkol sa telepono. Naintriga si Reyna Victoria dahil naisip niya kaagad ang mahalagang pagkakasilbihan nito. Sa mga panahon na iyon, kasalukuyan noon ang pag-a-away at digmaan sa pagitan ng Rusya at Turko. Ito ay magmula 1877 hanggang 1878.

Ito iyong naging digmaan ng Krimea na naganap sa peninsula na Crimea sa norteng bahagi ng Black Sea sa silangang punto ng Yuropa. Ang labanang ito ay sanhi ng mainit na hidwaan sa pagitan ng Imperyong Ottoman at ang samahan ng Rusya at mga lugay na bumubuo noon sa rehiyon na Balkan. Sumali noon ang Britania sa digmaan na ito dahil sa pangamba nito na ang kinikinita nilang pang-aangkin ng Rusya sa nasyong Romania na noon ay hawak naman ng mga Turko, ay hindi hihinto at magtatapos doon.

Sinasapantaha noon ng Britania na baka pagkagaling doon, tuluyan nang sasamsamin ng Rusya ang British India dahil idadaan nila ito sa pamamagitan ng Afghanistan. Ito ang dahilan kung bakit nakipag-alyansa ang Britania sa Imperyong Ottoman na noon ay kilala rin na Imperyong Turko. Maraming mga telegrama at mga sulat ang dumarating sa palasyo na para bagang delubyo sa dami at lahat ay nanghihiling ng konsiderasyon sa Reyna. Dahil sa dami ng mga sulat at telegrama, nalipunos ang palasyo.

Gayun na lamang ang paghanga ng mga opisyal ng reyna sa imbensiyon na telepono ni Alexander. Noong umaga, pagkatapos ng gabi na idini-monstrasyon ni Alexander ang aparatus sa kanila kaagad na sumulat kay Alexander si Major Biddulph na siyang tinatawag na KEEPER OF THE PRIVY PURSE at siya ang kumatawan sa reyna. Itong tinatawag na KEEPER OF THE PRIVY PURSE ng monarkiya sa Inglatera ay siyang tesorero o opisyal na eskribiyente na may hawak ng mga bagaybagay na may kinalaman sa pinansiya, pera at gastusin ng reyna o hari. Siya ang nakatungkulin na taga-manehar ng mga pagga-gastosan ng palasyo ng monarkiya sa Inglatera.

Eto ang nilalaman ng sulat:

“Osborne, Enero 16, 1878)

Mahal kong Kabalyero,

Umaasa ako na maliwanag ang iyong pagkakaalam kung gaano ang pasasalamat at pagkamangha ng Reyna sa naisaganap na eksibisyon ng telepono noong Lunes ng gabi.

Ninais ng Kanyang Kamahalan (Her Majesty) na aking ipahayag ang kanyang pasasalamat sa iyo at sa mga iginagalang na mga kababaihan at mga ginoo na may ugnayan sa iyo sa okasyon.

Naisin ng Mahal na Reyna, kung wala sanang sagabal na dahilan, na bilhin ang dalawang instrumento na sa ngayon ay naririto pa, kasama ang mga linya at iba pang nakakabit. Marahil na sa iyong kagandahang loob ay ipaalam mo sa akin kung kanino nararapat ipadala ang kabayarang angkop.

Iyong lingkud, mahal kong Kaballero, Tapat na sumasaiyo, -THOS BIDDULPH

PLEASE LISTEN TO PODCAST TO CONTINUE AND FOR THE FULL EPISODE.