Si Fridtjof Nansen sa Noruego Part 3 (4) Tagalog

Kuwentong Pilipino sa Tagalog at Ilocano

Aug 20 2022 • 33 mins

Historical biographical account about Norwegian scientist-explorer Fridtjof Nansen and his heroic and daring crossing of Greenland's ice cap. This is the THIRD of 4 episodes in Tagalog version.

EXCERPT:

"...Noong ika-APAT ng Agosto, nakarating sila sa bukana ng SEHESTED FJORD at doon, nagdidikit-dikit ang mga pagkakatigas na hielo. Sinikap nilang nagsagawa ng mga siwang sa pagitan ng mga hielo. Hindi sila humintong nagsag-sagwan hanggang mag-ala-una na ng madaling araw at nakarating sila sa maliit na isla na tinawag na UVIVAK (‘yuvivak’).

Nagpatuloy silang nana-ga ng nagdidikit-dikit na hielo at naggagawa ng puwang sa pagitan ng mga ito para sa kanilang pagdadaanan. Iyong napili nila noon na maliit na isla na siyang pinagtayuan nila ng kampo nila sa sumunod na araw, natuklasan nila na dagsa ang mga mababagsik na lamok doon. Ito ang nakapahirap na naman sa kanila.

Sa kanilang pinaglakbayan, mapanganib ang mga pagitan ng mga gleyser dahil malimit noon na biglang nababasag at bumabagsak ang malalaking bahagi nito sa tubig sa ibaba nito. Dumaan sila sa mga fjord at noong makarating sila sa malapit sa isla na SINGIARTUARFIK, nakita nilang may kampo na naman ng mga Inuit doon. Nalaman nila na ibang tribu noon ito noong napalapit sila. Kaagad na nagtakbohang palayo ang mga tao sa tribu. Noong makarating sina Nansen sa malapit sa mga tolda, walang naiwan doon at isang aso ang sumalubong sa kanila.

Hindi naglaon, may dahan -dahang lumapit sa kanila na babai. Sinundan ito ng isa pa. Nang-abot si Nansen ng lata na gaya ng kanyang ibinigay sa unang tribung naka-enkuwentro nila. Dito sa tribung sumunod na ito nakipagpalit sina Nansen ng mga alay. Binigyan sila ng tribu ng na-daing (napatuyo) na karne ng seal at bilang ganti sa kanila nina Nansen, binigyan nila ang mga ito ng karayom at lata. Sa mga Inuit sa panahong iyon, mahalaga ang karayom at lata na dala-dala ng mga estranghero/dayuhan dahil nagagamit nila ito sa pananahi ng kanilang mga kasuotan. Mas matibay noon ito kaysa sa karaniwang karayom na na gawa sa buto na siyang gamit nila.

Habang sila’y patuloy na naglakbay patungong hilaga (north), marami silang mga nadaanang mga isla at fjord na napansinni Nansen na wala pa sa mapa noon na hawak niya. Ang mapa niya noon ay siyang pinakabagong napalabas na nakalathala sa mga panahong iyon.

Natuklasan din nila na pagkarami-rami ang mga ibon at hayup na lumilipad na naninirahan noon sa mga batuhan at talampas sa gilid ng lupang kalapit ng tubig-karagatan. Dumating ang panahon na wala na silang nakakatagpong mga tribu at noon nagsimulang mag-atubili ang dalawang Sami sa kanilang patuloy na paglakbay pa-hilaga. Noong lumaon, nagsimula na silang umangal at magreklamo.

Bago sila lumuwas noon mula Kristania (Oslo), ipinangako ni Nansen sa kanila- na mga kasama niya, na marami at sobra sa magkasya sa kanila ang pagkain at inumin kaya mabubusog sila araw-araw. Subalit sa mga panahon na iyon, kinailangan na noon na mai-rasyon ang pagkain. Umangal si Balto dahil wala nang nabubusog nang husto sa kanila mula noong nakarating sila sa takdang.

Dagdag pa nito na kinakailangan nilang kayaning isagawa ang kung anu-anong klaseng mahihirap na trabaho. Nagpaliwanag si Nansen na kung magpasasa sila ng pagkain araw-araw, ang kanilang probisyon ay makakaabot lamang hanggang sa kalagitnaan ng Greenland. Mauubusan sila ng pagkain. Sa kalagitnaan ng disyertong hielo, sala silang makukuhanan ng pagkain kundi ang kanilang dala-dalang baon lamang. Kapag maubusan na sila ng pagkain, magsisi man sila, ito’y huli na. .."

PLEASE LISTEN TO PODCAST FOR THE FULL AND COMPLETE EPISODE

You Might Like